^

PSN Palaro

Bigtimer si John Ferriols

-
Ang pinakamalaking isda ay nahuli ni John Ferriols.

Ito’y matapos makipagkasundo ang dating Metropolitan Basketball Association Most Valuable Players sa FedEx.

Nasiyahan si Ferriols, ang 11th pick overall ng Express, sa alok na tatlong taong kontrata ng FedEx.

Si Ferriols ay may garantiyang P12.5 milyon sa kanyang kontrata ngunit lalaki pa ito depende sa kanyang magiging performance para sa FedEx.

Magsisimula si Ferriols, ang pambatong player ng Dazz Grease-Busters na naging runner-up sa nakaraang Philippine Basketball League (PBL), sa P150,000, ang maximum salary para sa mga rookies sa kanilang unang taon.

Ngunit mag-i-increase ang sahod ni Ferriols base sa kanyang performance kada-kumperensiya.

Nasa Subic kahapon si Ferriols kasama ang buong tropa ng FedEx para sa kanilang team building at inaasahang pipirma ngayon ng kontrata sa FedEx.

Dahil dito, si Ferriols ang may pinakamalaking kontrata sa mga PBA rookies. Sa katunayan, dinaig pa ng second round no. 1 pick ang mga first round picks.

Ang top pick na si Mike Cortez ay nakakuha lamang ng P8.7 milyon mula sa Alaska Aces.

Ang no. 2 pick na si Romel Adducul, ang mahigpit na karibal ni Ferriols sa MBA, ay nakakuha rin ng higit sa P12 milyong kontrata mula sa Ginebra ngunit ito ay tatagal ng apat na taon.

Higit sa P11 milyon naman ang napirmahang kontrata ni Eddie Laure, ang first round pick ng Shell gayundin ang Fil-Am na si Jimmy Alapag.

Nakakuha naman si Enrico Villanueva ng P8.1 milyon mula sa Red Bull habang si Marlon Legaspi ay nakakasiguro naman ng P4.2 milyon sa San Miguel. (Ulat ni Carmela Ochoa)

ALASKA ACES

CARMELA OCHOA

DAZZ GREASE-BUSTERS

EDDIE LAURE

ENRICO VILLANUEVA

FERRIOLS

JIMMY ALAPAG

JOHN FERRIOLS

MARLON LEGASPI

METROPOLITAN BASKETBALL ASSOCIATION MOST VALUABLE PLAYERS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with