UST judokas kampeon pa rin
February 4, 2003 | 12:00am
Sa ikalimang sunod na pagkakataon, napanatili ng UST Tiger Judokas ang korona sa University Athletic Association of the Philippines (UAAP) mens judo championship matapos na pabagsakin ang host crowd University of the Philippines sa championship title noong Linggo na ginanap sa University of the Philippines College of the Human Kinetics Gym.
Naglaro na wala ang ilang key players na nadiskuwalipika dahil sa paglabag sa rules, nagawa pa ring sumulat ng Tiger judokas ng kasaysayan sa UAAP makaraang maligtasan ang mahigpit na laban para idepensa ang kanilang korona kontra sa University of the Philippines.
Ang kampanya ng Uste ay pinangunahan ng rookie-MVP awardee na si Archie Oliver Martinez, Emile dela Cerna, 2000 MVP Steven Esteban at 2002 MVP Freddie Agoot na nananatiling walang talo simula noong 1998.
Tumersera ang De La Salle University nang kanilang igupo ang UP, 4-3 sa mens division, habang naisubi naman ng Ateneo University ang konsolasyong ikatlong puwesto sa womens division.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 30, 2024 - 12:00am