^

PSN Palaro

Sunkist pahinga muna sa PBL

-
Inihayag kahapon ng Sunkist-Pampanga ang kanilang desisyon na mag-leave-of-absence mula sa Philippine Basketball League sa nala-lapit na pagbubukas ng 2003 season.

Nakasaad sa liham na ipinadala ni team manager Elmer G. Yanga kay PBL Commissioner Chino Trinidad, isa sa dahilan ay ang kasalu-kuyang business conditions, plano at budget availability ng RFM Food Corporation, ang prangkisa na pag-aari ni Jose Concepcion III.

"Much as we would like to continue our participation to the league now as a regular member, current business conditions, plans and budget availability will not allow us to make such move at the moment," ayon pa sa sulat.

Nakasaad din sa sulat na binabati ni Yanga si Trinidad at ang kanyang buong staff dahil sa matagumpay at punung-puno ng taong championship series sa pagitan ng Welcoat at Dazz at ang suporta ring ibinigay ng liga sa nasabing prangkisa sa PBL Challenge Cup.

Ngunit ayon pa kay Yanga, kapag ang general business conditions ay naging maganda, hindi magdadalawang isip ang RFM Corporation sa posibilidad na muling kumatok sa pinto ng PBL.

"The PBL is where we started and it will always remain in our hearts," ani Yanga.

Sa parte naman ni Trinidad, bukas kamay pa rin na tatanggapin ng PBL ang muling pagbabalik ng RFM Corporation sa hinaharap, dahil isa ito sa pioneer founding members ng liga. Ngunit depende sa magiging kundisyon ng liga sakali mang sila ay magbalik muli.

"If there is an available slot, we would very much welcome their return to the PBL," wika pa ni Trinidad.

Ang pagkawala ng Sunkist-Pampanga sa susunod na conference ay ang pagbubukas naman ng pinto para sa pagpasok ng isa pang dating miyembro ang Cebu-based General Milling Corporation.

"We are actually considering three teams to fill up the vacant slots. That’s why we are looking forward to a much better and more exciting 2003 season," pagtatapos pa ni Trinidad.

Balita ring nais magbalik ng San Miguel Corporation, na tulad ng RFM ay founding member ng liga, sa PBL at nais dalhin ang pangalan ng Viva Mineral Water o Pop Cola na nabili ng SMC sa RFM.

CHALLENGE CUP

COMMISSIONER CHINO TRINIDAD

ELMER G

FOOD CORPORATION

GENERAL MILLING CORPORATION

JOSE CONCEPCION

NAKASAAD

NGUNIT

YANGA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with