St. Francis, numero uno sa semifinals ng NCRAA

Gaya ng inaasahan, nakopo ng St. Francis ang No. 1 ranking sa semifinals ng 10th National Capital Region Athletics Association (NCRAA) men’s basketball tournament.

Ngunit pumukaw naman ng pansin ang Colegio de San Lorenzo na nakapasok sa Final four ngayon.

Pinabagsak ng San Lorenzo Griffins ang La Salle-Dasmariñas, 89-60 kahapon upang maungusan ang pinapaborang Lyceum Pirates para sa No. 2 semis slot at twice-to-beat advantage.

Ang Griffins at Pirates na tinalo ng St. Francis Doves, 78-68, ay nagtabla sa second place na may 5-2 record ngunit nakuha ng CDSL ang No. 2 ranking dahil sa kanilang mas mataas na tie-break point.

Isang panalo lamang ang kanilangan ng Griffins laban sa No. 3 na Pirates upang makapasok sa finals.

Makakaharap naman ng Doves ang Rizal Technological University.

Show comments