PBA Show and Tell
February 1, 2003 | 12:00am
Ang countdown para sa 2003 Philippine Basketball Association season ay opisyal na magsisimula ngayon kung saan si League Commissioner Atty. Noli Eala ang mangunguna sa pamamagitan ng paglulunsad ng "PBA Show and Tell: Photo Exhibit sa SM Manila -- ang una sa apat na mall tour.
Kasama ni Eala sa alas-5:00 ng hapong ribbon cutting rites na gaganapin sa Grand Slam Shootout area ay ang mga players at officials ng Alaska at Coca-Cola.
Ang event na ito ay magbibigay pagkakataon sa mga fans na makasalamuha ang kanilang mga paboritong players sa autograph signing session.
Ang mga players ng dalawang koponan ay makikipagtambalan din sa kanilang mga fans sa ilang parlor games.
"The PBA is very grateful to its legions of fans and this activity is a testament of how much we want to give the league back to them," ani Eala. "We have scheduled more activities for the season in line with our continued effort to bring the PBA even more closer to our fans."
Tampok sa exhibit ang mga memorable moments ng liga na nakunan ng litrato ng mga photo-grahers.
Magtatapos ang activity sa SM Manila sa Pebrero 4.
Ang susunod ay sa Tutuban Mall (Feb. 5-8) at SM Fairview sa Feb. 9-12.
Ang SM Fairview leg ay bubuksan ng alas-3:00 ng hapon sa Storyland tampok ang Ginebra Kings at FedEx Express kung saan ang mga orphans mula sa World Vision ay makakasama ng dalawang koponan
Ang Sta. Lucia East Mall ang host ng fourth leg sa Feb. 13-16 at ang final stop ay sa Farmers Cubao sa Feb. 17-20.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended