^

PSN Palaro

Talk 'N Text, Sta. Lucia nagpasiklab

-
Nagpasiklab ang Talk ‘N Text at Sta. Lucia Realty na kapwa nagta-gumpay sa magkahiwalay na exhibition matches kahapon bilang bahagi ng PBA-Pre-season games.

Bumandera sina Paul Asi Taulava at Victor Pablo upang igupo ng Talk ‘N Text ang Alaska, 102-96 sa La Salle gym habang pinatunayan na-man ni Kenneth Duremdes na karapat-dapat ito sa Realtors nang pamunuan niya ito sa 101-78 panalo kontra sa Purefoods.

Nagtala si Asi Taulava ng 5-of-10 mula sa three-point area para sa kanyang kabuuang 32-puntos kabilang ang anim na mahahalagang puntos sa huling dalawang minuto ng labanan tungo sa panalo ng Phone Pals.

Si Pablo ay nagtala ng 22 puntos habang ang rookie na si Kahi Villa na tumapos naman ng 10-puntos.

Humataw naman si Duremdes ng 27-puntos na sinuportahan nina Paolo Mendoza at Marlou Aquino sa pag-ambag ng 18 at 17 puntos ayon sa pagkakasunod para sa Sta. Lucia.

Magpapatuloy ang pre-season series ngayon sa paghaharap ng sister teams San Miguel Beer at Barangay Ginebra sa La Salle Centrum sa Lipa City.

Nagpamalas naman ng mahusay na laro sa kanyang alma mater ang Lasalistang si Mike Cor-tez, ang top pick ng Alaska, sa paghahatid ng 13-puntos, 5-rebounds at tatlong assists ngunit bigo nitong dalhin sa panalo ang kanyang koponan.

Hindi naman naging impresibo ang ipinamalas na laro ng mga rookies na sina Brandon Lee Cablay na nagtala lamang ng 9-puntos para sa Alaska habang ang isa pang rookie na si Jimmy Alapag ay may pitong puntos lamang para sa Phone Pals.

Pinangunahan ni John Arigo ang Alaska sa kanyang tinapos na 20-puntos habang si Noy Castillo naman ang bumandera sa TJ Hotdogs sa kanyang 20-puntos din.

ASI TAULAVA

BARANGAY GINEBRA

BRANDON LEE CABLAY

JIMMY ALAPAG

JOHN ARIGO

KAHI VILLA

KENNETH DUREMDES

N TEXT

PHONE PALS

PUNTOS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with