^

PSN Palaro

Nueva Ecija vs Bacolod para sa titulo

-
Talavera, Nueva Ecija – Pinadapa ng Nueva Ecija ang Makati kahapon at pinataob naman ng Bacolod ang Cebu para isaayos ang kanilang titular showdown sa Philippine All High School National Baseball tournament sa Talavera National High School ground dito.

Tinalo ng Nueva Ecija ang Makati 18-5 habang iginupo ng Bacolod ang Cebu, 20-4.

Bagamat sa unang inning ay kabado at nalamangan ng taga-Makati 2-0, agad na nakabalikwas ang Nueva Ecija, na suportado ng kanilang mga kababayan na kinabibilangan ni Governor Tomas Joson III at Talavera mayor Lito Fausto, sa ikalawang inning at umukit ng anim na runs para makuha ang bentahe.

Bagamat nagbigay lamang ng magkahiwalay na hits ang Novo Ecijano pitcher na si Joselito Bermosa ngunit hindi ito napagsamantalahan ng Makati para maka-iskor ang Nueva Ecija ng tatlong run.

Samantala, nagpamalas ng kahusayan sa pag-pitch sina Francis Fuentes at Remer Casas na pumalit sa una nilang pitcher na si Carlito Valencia ng magbigay ito ng limang runs sa Bacolod sa kabuuang 20 runs upang isaayos ang kanilang pakikipagharap sa Nueva Ecija sa kampeonatong nakatakdang ngayong ala-una ng hapon.

Bago rito, maglalaban naman ang Cebu at Makati para naman sa konsolasyong ikatlong puwesto.

vuukle comment

BACOLOD

BAGAMAT

CARLITO VALENCIA

CEBU

FRANCIS FUENTES

GOVERNOR TOMAS JOSON

JOSELITO BERMOSA

LITO FAUSTO

MAKATI

NUEVA ECIJA

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with