Ngunit posible pang madagdagan ang tsansa ng bansa sa gold medals kung sasalihan ang fin swimming event na kailangan pang desis-yunan ng Philippine Amateur Swimming Association.
May tsansa ang bansa sa 408 gold medals mula sa kabuuang 439 na itataya ng host na Vietnam ngunit kung isasama ang fin swimming ay madadagdagan ng 16-gintong medalya ang tsansa ng RP.
Tatlong sport ang hindi isinama ng Vietnam sa calendar of events na kinabibilangan ng marathon, bowling at golf dahil mahina sa mga naturang sport ang host country.
Gayunpaman, sa pagkakasama ng larong chess sa kauna-unahang pagkakataon, inaasahang palaban sa sport na ito ang RP kung saan isasabak ang mga Grand Masters at International Masters ng bansa.
Pinakamaraming gold ang nakataya sa shooting na may 44 golds kasunod ang athle-tics na may 43 habang ang aquatic events ay may kabuuang 41 golds gayundin sa pencak silat at wrestling.
May 28 ginto naman ang paglalabanan sa wushu, 24 sa gymnastics, 19 sa karatedo at tig-16 mula sa judo at fin swimming.
Dalawamput isang sport ang paglalabanan sa Hanoi, 10 sport ang gaganapin sa Ho Chi Min habang ang table tennis ay gaganapin sa Hai-shung, 56 kilometro ang layo sa Hanoi.
Ang mga sport na di sasalihan ng Philippines ay ang handball, shuttle cock at petangui. (Ulat ni Carmela Ochoa)