^

PSN Palaro

Limitado na ang budget ng PSC

-
Dahil sa nahaharap na pagbaba ng budget kumpara sa malaking financial requirements na kakailanganin para sa preparasyon ng 2003 Vietnam Southeast Asian Games, sinabi kahapon ng Philippine Sports Commission (PSC) na limitado na lamang ang pondo para sa gastusin ng mga proyekto sa taong ito.

Ayon kay chairman Eric Buhain, kailangan nilang ilagay sa tama ang paggastos ng pondo dahil ang pondo ng PSC ay nasa limitadong P105 milyon lamang kung saan umaasa ang ahensiya na makakakuha mula sa General Appropriations Fund ng hindi bababa sa P350 milyon bilang bahagi mula sa kita ng Philippine Amusement and Gaming Corp., (PAGCOR) at ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

"The PSC doesn’t have that much money to spend, especially now that there is no more limit to our participation in the SEA Games. We have to give our athletes their needed preparation and exposure for the Vietnam Games, and hopefully, it would help us gain in the 2004 Athens Olympics, 2005 RP SEA Games at ang susunod na Asian Games," wika ni Buhain. "Yun ang target natin, to help them prepare for the next three big events."

Inamin din ni Buhain na ang halaga na inaasahan ng PSC na maku-kuha mula sa PAGCOR at PCSO ay bahagi ng National Sports Development Fund (NSDF) ay hindi makakaapekto sa pondo ng bansa sa kanilang preparasyon at paglahok sa SEA Games.

"That’s why we are all out in encouraging support from the private sector," wika ni Buhain. "Right now, we are in the process of, again, starting talks with some too private corporations for support."

Inaasahang maaapektuhan sa naturang pagtitipid ang 15th Asian Championships na kamakailan lamang ay inilunsad ito na ayon kay PATAFA chief Go Teng Kok, ito ay gagastos ng P30 milyon sa pagho-host.

Si Go ay nagproposal ng ‘half-half’ deal at humihiling ng P15 milyon mula sa PSC.

Ayon kay Go mahigit sa 500 atleta at 300 opisyal ang inaasahang lalahok sa apat na araw na event na nakatakda sa Sept. 20-23.

ASIAN CHAMPIONSHIPS

ASIAN GAMES

ATHENS OLYMPICS

AYON

BUHAIN

ERIC BUHAIN

GENERAL APPROPRIATIONS FUND

GO TENG KOK

NATIONAL SPORTS DEVELOPMENT FUND

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with