Lhuillier bagsak sa Spring Cooking Oil
January 30, 2003 | 12:00am
OZAMIZ City Nagbalik sa dating porma ang kasalukuyang Interclub Basketball champion Spring Cooking Oil nang kanilang igupo ang M. Lhuillier Jewelers, 93-84 sa pagsisimula ng Mayors Cup tournament na hosted ni Mayor Reynaldo Parohinog sa Gov. Angel Medina gym dito.
Hawak ng mga bata ni coach Tito Palma ng Cooking Oil ang kalamangan mula sa umpisa matapos umiskor ng double figures sina Ricky Ricafuente, Tyrone Bautista, Mar Reyes, Rodel Manuel at Mike Buendia.
Pinabagsak naman ng host Shineway-Ozamiz City ang bagong CBL-Sinulog titlist M.L. Kwarta Padala, 105-98 sa iba pang laro.
Ang torneong ito ay magsisilbing final preview sa two-conference NBL (National Basketball League) na magsisimula sa Pebrero 21 sa Metro Manila na inorganisa ni Taryn Micaros habang supervisor naman si George Magsini.
Itinakda ni Spring team owner Nathaniel Tac Padilla, NBL vice president for operations, ang final meeting para sa lahat ng kalahok na koponan sa Pebrero 7 sa Century Park Hotel.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended