Kamakailan, pormal ng naipormalisa ni International Boxing Federation (IBF) Superbantamweight Champion Manny Pacquiao ang kanyang kasunduan sa kilalang boxing promoter na si Gabriel Bebot Elorde Jr., para sa kanyang nalalapit na laban sa Manila sa darating na Marso 8, 2003.
Sa kauna-unahang pagkakataon, si Pacquiao ay nagbalik sa Manila matapos na mapagwagian ang IBF world title noong Hunyo 23, 2001 sa pamamagitan ng 6th round stoppage kontra Ledholonolo Ledwaba.
Haharapin ni Pacquiao ang kasalukuyang Kazakhstan champion na si Serikhzhan Yeshmangbetov. Napipisil para sa inisyal na 10-round non-title fight sina Pacquiao at ang 35-anyos na si Vuyani Bungu ng South Africa.
Si Bungu, dating IBF Superbantamweight Champion ay natalo kay Ledwaba na siya namang ginapi ni Pacquiao na nagnanais na muling makabalik at ang tanging hiling niyang makalaban ay ang tubong Gen San fighter para sa IBF title match.
Tampok din sa nasabing laban ang pag-akyat sa ibabaw ng ring ng nakababatang kapatid ni Manny na si Bobby Pacquiao na mapapasabak kontra kay Baby Lorona Jr. sa isang rematch.
Ang iba pang magpapakita ng aksiyon ay si Roger Galicia kontra Johnny Lear, ang dalawang aspiring Filipino fighters na maglalaban para sa bakanteng World Boxing Council (WBC) Intl Bantamweight Championship.