Sweep ng Welcoat
January 28, 2003 | 12:00am
Sa kahuli-hulihang sandali ng labanan, hindi bumitaw ang Welcoat Paints sa kanilang mahigpit na depensa upang itarak ang 80-71 panalo kontra sa Dazz Dishwashing Liquid sa overtime at tuluyan ng sungkitin ang korona ng PBL Challenge Cup sa pamamagitan ng sweep sa Pasig Sports Center kahapon.
Winakasan ng Paint Masters ang kanilang best-of-five championship series sa 3-0 na nagkaloob sa kanila ng ikalimang korona via sweep sa pitong finals appearance ng Welcoat.
Ang tagumpay na ito ng Welcoat ay napakatamis para kay coach Leo Austria sa dahilang naipaghiganti na rin niya ang dalawang sunod na kabiguang natamo sa mga kamay ni coach Junel Baculi nang siya pa ang gumigiya sa Shark Energy Drinks.
"Nagpapasalamat ako sa opportunity na binigay sa akin ng Welcoat. Napatunayan ko naman na kaya kong ipagpatuloy ang championship tradition ng team. Masarap rin palang maka-sweep, salamat din sa mga supporters at higit sa lahat, yung Nasa Itaas na hindi pinagkait sa amin ang sweep," pahayag ni Austria.
Isang magandang alaala rin ang iniwan ni Romel Adducul, nanalong MVP ng liga sa Welcoat nang kanyang pamunuan ang opensa ng Paint Masters matapos na tumipa ito ng 21 puntos, bukod pa ang itinalang 11 rebounds at tatlong supalpal kung saan umalagwa ang Que Yu franchise sa extra limang minuto ng laro.
Nagsilbi ring bayani ng Welcoat si Ariel Capus na nakipagtulungan kay Adducul upang ilatag ang 72-65 kalamangan may 41 segundo pa ang nalalabi sa laro. (Ulat ni Maribeth Repizo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended