^

PSN Palaro

Starting over ang Talk N Text?

FREE THROWS - AC Zaldivar -
HINDI natin alam kung lumakas itong Talk ‘N Text o ano?

Kasi nga ay ipinamigay ng Phone Pals ang ilan sa mga manlalarong pinakinabangan nito noong isang taon kung kailan nakarating sila sa Finals ng Commissioners Cup.

Una nilang ipinamigay si Gilbert Demape na napunta sa Purefoods nang magpalitan din sila ng first round picks. Bale kinuha ng Phone Pals ang fourth pick overall at kasamang ibinigay sa Purefoods ang sixth pick. Ang buong akala ng lahat ay ginawa ito ng Phone Pals upang makuha nila and 6’5 Ateneo center na si Enrico Villanueva sa Draft.

Hindi ganoon ang nangyari dahil ang ginawa nilang No. 4 pick sa draft ay ang 6’3 power forward na si Harvey Carey, isang Fil-American.

Sa Draft Day ay ipinamigay din nila si Celedon Camaso sa Alaska Aces para sa tenth pick overall ng Draft na ginamit nila upang kunin ang isa pang Fil-Am point guard na si Jimmy Alapag.

Ang huli nilang binitiwan ay ang Fil-Italian center na si Alex Crisano nang hingin nito ang maximum P350,000 na buwanang suweldo. Siyempre, kahit na sino ay magsasabing hindi naman P350,000 ang halaga ni Crisano. Pero puwede sanang pinaliwanagan ng Talk ‘N Text ang sentrong ito bago tuluyang pinakawalan.

Ang ipinalit ng Talk ‘N Text kay Crisano ay si Angelo David na dalawang taon ding nabangko sa Sta. Lucia Realty. Mataas ang suweldo ni David na kumikita ng P300,000 kada buwan pero pumayag ang Realtors na ipamigay ito nang libre at maghati sila ng Talk ‘N Text sa babayarang suweldo.

Puwede sigurong lumakas ang Talk ‘N Text sa pagpasok nina Carey, Alapag at David. Si Alapag ay isang mahusay na point guard na naging kandidato sa RP Team. Pero siyempre, mangangapa pa siya sa umpisa kumpara kay Demape na noong isang taon ay naging miyembro ng Mythical Second team. Si Carey ay naging practice player ng Coca-Cola noong finals ng All-Filipino Cup kung saan ginaya niya si Ali Peek. Si David ay dating national player at puwede pa namang mapakinabangan kung bibigyan ng tsansang makapaglaro.

Pero siyempre, sa isipan ng mga sumubaybay sa Talk ‘N Text noong isang taon, matindi rin naman ang naging kontribusyon nina Demape, Camaso at Crisano. Para bang sa pagkawala nila ay mag-uumpisa na naman ang Phone Pals na siyang kasaysayan ng prangkisang ito, eh.

Palagi na lamang nagkakaroon ng shuffle sa Talk ‘N Text at hindi nagkakaroon ng pagkakataong magtagal ang isang sistema. Iyon ay bunga ng paghahangad nila na magkampeon. Sa kamamadali, lalong nagtatagal ang katuparan ng kanilang pangarap.

Siguro nga ay binigyan na ng blanket authority si coach Paul Woolpert na magbuo ng koponang sa pananaw niya at magiging championship caliber team. Magsisimula silang muli at kapag nasa tamang lugar na ang lahat ng piyesa at saka sila mamamayagpag.

Sana nga.

ALASKA ACES

ALEX CRISANO

ALI PEEK

ALL-FILIPINO CUP

ANGELO DAVID

CELEDON CAMASO

CRISANO

N TEXT

PERO

PHONE PALS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with