Unang hinataw ng Novo Ecijano ang 13-7 panalo kontra sa Cebu bago sinundan ng 16-5 laban naman sa San Pablo.
Isang single ng short stop na si Romeo Jasmin ang naging tulay ng Nueva Ecija sa panalo matapos na papuntahin si Marvin Malig sa homeplate na siyang bumasag sa 7-all pagtatabla.
Sa kabilang dako, buma-ngon naman ang Nueva Ecija matapos na malubog sa 02 sa unang dalawang inning nang pamunuan ni Kenneth Sinulto ang pananalasa ng Novo Ecijano sa sumunod na inning nang humataw ito ng pambihirang grand slam para sa 5-2 kalamangan.
Hindi pa nakuntento, muli pang pumalo ang Nueva Ecija ng limang run sa fourt inning upang tuluyan ng wakasan ang paghahabol ng San Pablo sa 12-2 kalamangan.
Sa iba pang laro, dinuplika ng Zamboanga ang panana-lasa ng Nueva Ecija nine nang umiskor rin sila ng parehong panalo upang hawakan ang pangunguna sa group B.
Dinurog ng Zamboange-ños nine ang Tuguegarao, 11-0 sa pinaigsing 5 inning na laro, pero sa ikalawang sultada ng Zamboanga, kinailangan nilang dumaan sa butas ng karayom bago nila napasuko ang Tanauan, 13-12.