^

PSN Palaro

Hometown-crowd nagsisilbing inspirasyon sa Novo Ecijanos

-
TALAVERA, Nueva Ecija – Nagsilbing inspirasyon ng host team Nueva Ecija ang malakas na hiyawan ng mga manonood upang iposte ang dalawang panalo matapos na igupo ang kanilang kalaban sa pagpa-patuloy ng All High School National Baseball championship tournament na ginaganap sa Talavera National High School ground dito.

Unang hinataw ng Novo Ecijano ang 13-7 panalo kontra sa Cebu bago sinundan ng 16-5 laban naman sa San Pablo.

Isang single ng short stop na si Romeo Jasmin ang naging tulay ng Nueva Ecija sa panalo matapos na papuntahin si Marvin Malig sa homeplate na siyang bumasag sa 7-all pagtatabla.

Sa kabilang dako, buma-ngon naman ang Nueva Ecija matapos na malubog sa 02 sa unang dalawang inning nang pamunuan ni Kenneth Sinulto ang pananalasa ng Novo Ecijano sa sumunod na inning nang humataw ito ng pambihirang grand slam para sa 5-2 kalamangan.

Hindi pa nakuntento, muli pang pumalo ang Nueva Ecija ng limang run sa fourt inning upang tuluyan ng wakasan ang paghahabol ng San Pablo sa 12-2 kalamangan.

Sa iba pang laro, dinuplika ng Zamboanga ang panana-lasa ng Nueva Ecija nine nang umiskor rin sila ng parehong panalo upang hawakan ang pangunguna sa group B.

Dinurog ng Zamboange-ños nine ang Tuguegarao, 11-0 sa pinaigsing 5 inning na laro, pero sa ikalawang sultada ng Zamboanga, kinailangan nilang dumaan sa butas ng karayom bago nila napasuko ang Tanauan, 13-12.

ALL HIGH SCHOOL NATIONAL BASEBALL

CEBU

KENNETH SINULTO

MARVIN MALIG

NOVO ECIJANO

NUEVA ECIJA

ROMEO JASMIN

SAN PABLO

TALAVERA NATIONAL HIGH SCHOOL

ZAMBOANGA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with