^

PSN Palaro

Isa na lang sa Welcoat

-
LIPA, Batangas – Nakalapit sa titulo ang Welcoat Paints matapos itakas ang 65-63 panalo kontra sa Dazz Dish-washing Paste sa Game Two ng PBL Challenge Cup finals sa La Salle Sentrum kagabi.

Idineliber ni Romel Adducul ang mga krusiyal na puntos ng Welcoat, ngunit isang krusiyal na shotblock ni Eddie Laure ang nagkaloob sa Paint Masters ng tagumpay.

Abante na sa 64-61 ang Welcoat mula sa anim na sunod na puntos ni Adducul, ngunit nagkaroon ng pagkakataong makalapit ang Grease-busters sa 63-64, nang maikonekta ni Peter Jun Simon ang dalawa sa kanyang tatlong free throws na na-foul ni Laure nang kanyang pakawalan ang panablang tres, 8.9 segundo ang nalalabing oras sa laro.

Napanatili ng Dazz ang posesyon nang matapik ni Paul Artadi ang bola palabas sa agawan ng rebound mula sa nagmintis na huling free throw ni Simon.

Gayunpaman, naipreserba ng Welcoat ang tagumpay nang masupal-pal ni Laure ang pagtatangka ni Allan Salangsang para sa winning shot.

Hawak na ng Welcoat ang 2-0 bentahe sa best-of-five serye at may pagkakataon sa sweep sa Game Three na gaganapin sa Pasig Sports Center bukas.

Sa unang laro, naipuwersa naman ng Blu Sun Power ang deciding Game Three matapos ang 76-62 panalo sa Game Two ng kanilang sariling best-of-three series. (Ulat ni Carmela Ochoa)

vuukle comment

ALLAN SALANGSANG

BLU SUN POWER

CARMELA OCHOA

CHALLENGE CUP

DAZZ DISH

EDDIE LAURE

GAME THREE

GAME TWO

LA SALLE SENTRUM

WELCOAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with