Welcoat sa Game One

LUCENA – Umahon sa 18-point deficit ang Welcoat Paints at naging mabangis sa overtime upang isukbit ang Game-One laban sa Dazz Greasebusters, 77-68 sa pagbubukas ng PBL Challenge Cup titular showdown sa Quezon Convention Center dito.

Matapos ipuwersa ng Paint Masters ang five minute extension, pina-ngunahan ni Romel Adducul ang 11-2 produksiyon sa extra period upang iselyo ang kanilang tagumpay.

Bunga nito, hawak ng Welcoat ang 1-0 bentahe sa best-of-five titular showdown patungo sa Game-Two na gaganapin sa La Salle Sentrum Center sa Lipa City bukas.

Sinamantala ng Welcoat ang maagang pagkaka-graduate ng key player ng Dazz na si John Ferriols na na-fouled out, halos limang minuto pa ang natitira sa regulation gayundin ang pagkaka-thrown-out ni Eugene Tan bunga ng kanyang punching foul kay Mike Pingris, dagdag pa ang nakalimang fouls din na si Joel Dualan upang ma-kumpleto ang kanilang comeback.

Buhat sa 54-36 kalamangan ng Dazz na gumamit ng 28-10 produk-siyon sa ikatlong quarter, pinagbidahan ni Ronald Tubid ang Welcoat sa kanilang eksplosibong 28-7 paghahabol upang agawin ang kalamangan sa 64-61, mula sa tatlong triple ni Tubid, 1:31 na lamang ang oras sa laro.

Tumapos si Tubid ng 19 puntos, 16-puntos nito ay sa ikaapat na quarter bukod sa pitong rebounds kasunod sina Eddie Laure at Pingris na may 13-puntos habang sina Adducul at Paul Artadi ay may tig-11 puntos.

Sa naunang laro, sumandal ang LBC-Batangas kina Ralph Rivera at Alex Compton sa huling limang minuto ng laro upang pabagsakin ang Blu All-Purpose, 74-68 sa humakbang tungo sa konsolasyong third place.

Isa na lang ang kailangan ng Batangas para makopo ang ikatlong puwesto.

Show comments