^

PSN Palaro

Sweep tangka ng DLSU-9

-
Sisikapin ng De La Salle na iposte ang 10-game sweep upang tuluyan ng sungkitin ang korona ng men’s baseball eliminations ng UAAP baseball tournament.

Itinala ng Green Archers noong nakaraang linggo ang kanilang ikasiyam na sunod na panalo sa pamamagitan ng 4-0 tagumpay laban sa Santo Tomas University at isang panalo na lamang ang kani-lang kailangan para sa sweep na nangangahulugan ng awtomatikong pagkuha ng titulo kung mauulit nila ang kanilang naunang panalo sa University of the Philippines sa kanilang paghaharap ngayong tanghali sa Rizal Memorial diamond.

Bagamat nakauna na ang Green Archers, siguradong hindi na pahuhuli ngayon ang Maroons at gagawa ito ng eksplosibong performance para silatin ang DLSU at hatakin ang championship series sa playoff.

Pangalawa ang Maroons sa kanilang itinalang 7-2 panalo-talo.

Sa women’s softball, tinalo ng University of the East ang De La Salle, 23-0 upang manatiling malinis ang kanilang record.

Pumapangalawa naman ang UST (5-2) kasunod ang Adamson (4-3), UP (4-3), at De La Salle University (1-6).

vuukle comment

ADAMSON

BAGAMAT

DE LA SALLE

DE LA SALLE UNIVERSITY

GREEN ARCHERS

ITINALA

RIZAL MEMORIAL

SANTO TOMAS UNIVERSITY

UNIVERSITY OF THE EAST

UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with