Ang 36 anyos na si Magsanoc ay kabilang sa Batch 88 ng mga rookie players na kinabibilangan nina Jojo Lastimosa, Jerry Codiñera at Glen Capacio.
"At least Im happy now and contented. Maganda na itong exit ko. Nagpapasalamat ako sa PBA Press Corps. dahil for the last time sa kanila nanggaling ang award ko bilang "Comeback Player of the Year," pahayag ni Magsanoc na tinaguriang "Point Laureate" at naging kilalang katambal ni Benjie Paras noong rookie days niya sa Shell.
"Masaya din ako dahil binigyan ako ni coach Eric (Altamirano) ng pagkakataon na makasama sa coaching staff ng Hotdogs.
Tatlo pang rookies ang nakabawas sa unemployment rate sa PBA matapos pumirma ng kontrata sina Billy Mamaril, Marlon Legaspi at Arnold Calo.
Nagkasundo na sina Mamaril, ang ikaanim na pick overall at ang Purefoods sa tatlong taong kontrata ngunit hindi ibinunyag ang halaga nito.
Ayon sa isang source, ang anak ng dating Ginebra slotman na si Romy Mamaril, ay pumirma ng kontrata sa halagang sa P7.8 milyon sa tatlong taon.
"Were just glad to finally sign Billy. Right now, were just renegotiating the contracts of Boyet Fernandez and Richard Yee. After that, were pretty much set for the season," ani coach Eric Altamirano na tumangging magkomento sa kontrata ni Mamaril.
Pinapirma na rin ng SMBeer ang kanilang ikawalong pick na si Legaspi ng dalawang taong kontrata na nagkakahalaga ng P4.2 milyon at isang taon naman para kay Arnold Calo.
Si Legaspi ay tatanggap ng maximum salary para sa rookies na P150,000 sa kanyang unang taon at P220,000 sa kanyang ikalawang taon.