^

PSN Palaro

Malinis pa rin ang Green Archers

-
Umiskor ang tournament leader De La Salle U Archers ng 7-inning 4-0 panalo kontra sa University of Santo Tomas Golden Tigers kahapon upang palawigin ang kanilang malinis na record sa siyam na panalo sa UAAP baseball tournament sa Rizal Memorial ballpark.

Ang panalo ay nagdala sa Archers na mapanatili ang kanilang hawak na korona at tanging ang University of the Philippines na lamang ang siyang magiging hadlang sa kanilang daan.

"Sana naman huwag na kaming masilat para maganda ang aking simula bilang softball/baseball team manager ng Archers," wika ng bagong itinalagang DLSU batted-ball team manager Rodolfo ‘Boy’ Tingson Jr., na kasalukuyang pangulo ng Philippine Tot Baseball Inc.

Makaraang mabokya sa dalawang innings, umiskor ang Archers ng go-ahead run sa third inning nang tumapak ang lead off batter na si Jordan Orobia sa first base sa pamamagitan ng passed ball maka-raan ang ikatlong strike. Ninakaw niya ang second base, bago umusad sa third base mula sa fielder’s choice at tuluyang umiskor ng unang run sa pamamagitan ng steal sa homeplate.

At sa sumunod na innings, kumana pa ang Archers ng dalawang runs mula sa back-to-back hits ni Mike Gabriel at Patrick Hipol matapos ang fielding error ng UST shortstop na si Gil Encarnado.

Muli pang umiskor ang Archers ng panibagong runs sa seventh inning upang tuluyan ng iwanan ang Golden Tigers.

Sa iba pang laro, naungusan ng Ateneo U Eagles ang National University, 13-12., habang pinatatag naman ng defending champion UP Maroons ang kanilang kapit sa solong ikalawang puwesto matapos ang 10-3 panalo kontra sa Adamson U.

ADAMSON U

ATENEO U EAGLES

DE LA SALLE U ARCHERS

GIL ENCARNADO

GOLDEN TIGERS

JORDAN OROBIA

MIKE GABRIEL

NATIONAL UNIVERSITY

PATRICK HIPOL

PHILIPPINE TOT BASEBALL INC

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with