Ayon kay Baculi, na may hawak ng limang PBL championships na ang kanilang best-of-five championship series ay parehas lamang at hindi pa mababatid kung kanino at ang Game One ay magsisilbi lamang na isang testing ground.
"Im in an unfamiliar situation now facing my former team in the finals. But compared to the Welcoat-Shark rivalry before, mas even ang field ngayon that the posibility of a sweep is very slim," pahayag ni Baculi na siyang gumiya sa Welcoat sa apat na kampeonato pa lahat ay pawang sweeps.
"Both coach Leo and I still have to draw out the championship characters of our respective teams and after Game One, doon na magkakatalo sa adjustments," dagdag pa niya.
Ngunit isa lang ang sigurado: Gutom ang Dazz at umaasa si Baculi na mabibigyan niya ang Lamoiyan Corporation franchise ng ikalawang korona mula ng kanyang trangkuhan ang koponan noong 1996 PBL Reinforced Conference katulong ang Chinese sensation na si Ma Jian bilang import.
At ang kanilang mahirap na daang tinahak sa elimination round at crossover semifinals ang nagpalakas ng kanilang mental aspect at character ng koponan upang paghandaan ang best-of-five championship series na magsisimula sa Huwebes sa Quezon Convention Center sa Lucena City.
"It could be the destiny I had to fulfill, thats why Im back with the team that gave me my first break. It must be the reason why were here in the finals despite the big challenges we faced during the elimination round." aniya pa.