Batangas Blades pasok na sa semis

Nagpakatatag ang LBC-Batangas hanggang sa pinal na 1:29 ng labanan upang biguin ang ICTSI, 91-84 kahapon at kumpletuhin ang semifinal cast ng PBL Challenge Cup sa Makati Coliseum.

At nagbida sa laban na ito si Alex Compton nang magpaulan ito ng 23 puntos sa kanyang kabuuang 31puntos sa hunang bahagi ng laro nang kunin ng Blades ang karapatang makasagupa ang twice-to-beat Welcoat Paints sa crossover semifinals sa Sabado, ganap na alas-2 ng hapon.

At isa pang engkuwentro ay sa pagitan naman ng twice-to-beat Dazz Dishwashing Liquid kontra sa malakas na Blu All-Purpose sa alas- 4 ng hapon.

Maaga palang ay nagpakita ng intensidad si Compton nang makipagtulungan ito kay Alex Magpayo sa 22-11 bentahe tungo sa 51-38 sa pagtatapos ng halftime.

Show comments