^

PSN Palaro

84 riders ipinamamahagi na para sa 2003 Tour ng Pilipinas

-
Ikinalat na ang 84 riders na nakapasa sa mahigpit na qualifying races para sa Tour Pili-pinas 2003 na presinta ng Air21 sa 12 na iba’t-ibang koponan para sa isang balanseng kompetisyon.

"It look a lot of effort but we really wanted to balance the teams to provide a thrilling race for our cycling enthusiasts," ani Mar Mendoza, Tour’s executive director.

Ang nasabing pamamahagi ay pinangasiwaan ng Philippine National Cyclist Association (PNCA) kung saan ang groupings ng mga riders ay ibinase sa kani-kanilang mga tiyempong isinumite sa ginanap na makapigil hiningang karera simula noong nakaraang Oktubre.

"Maganda ang balanse ng teams ngayon. Wala ka talagang masasabi na may lamang sa kanila," wika ni Paquito Rivas, presidente ng PNCA na kilala dati bilang Professional Cycling Association of the Philippines.

Ayon sa Tour organizer na si Lito Alvarez, president ng Airfreight 2100, sole franchise ng FedEx sa Philippines, ang mga koponan ay available sa pamamagitan ng first-sign, first-served basis sa iba’t ibang mga kumpanya na nagpahayag ng kanilang interest na sumali sa malaking summer spectacle on wheels.

Sa kasalukuyan, mayroon ng 15 kumpanya ang nagpahayag ng kanilang interes na maging bahagi ng Tour Pilipinas 2003 na sisikad sa buwan ng Abril hanggang Mayo 11.

"This will be like a drafting session. Except that the first pick will be the company that signs first for the Tour," ani Alvarez.

Ang hanay ng mga national riders ay ikinalat sa iba’t ibang koponan kung saan pangungunahan nina Victor Espiritu, Arnel Querimit at Warren Davadilla ang iba’t ibang koponan.

Itinalaga naman ang mga dating champions na sina Carlo Guieb at Renato Dolosa bilang skipper ng kani-kanilang koponan, habang babanderahan naman ng nakaraang taon CALABARZON winner Santy Barnachea ang sarili niyang koponan.

Ang iba pang kilalang siklista ay sina Bernard Luzon, Placido Valdez, Bernie Llentada, Felix Celeste, Enrique Domingo at Rolando Pagnanawon.

ARNEL QUERIMIT

BERNARD LUZON

BERNIE LLENTADA

CARLO GUIEB

ENRIQUE DOMINGO

FELIX CELESTE

LITO ALVAREZ

MAR MENDOZA

PAQUITO RIVAS

PHILIPPINE NATIONAL CYCLIST ASSOCIATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with