UE Warriors silat sa Wang's

Pinayukod ng Wangs Ball Club ang University of the East (team B), 110-102 noong Martes upang isaayos ang kanilang pakikipaglaban sa walang talong Spring Cooking Oil para sa korona ng PICAA-YKL Invitational Cup basketball ngayon sa YMCA gym.

Maghaharap ang Cooking Oil Masters ni coach Tito Palma at ang Wang’s cager ni Jerome Cueto sa alas-3 ng hapon.

Sa pagtutulungan nina Rafael Santos at ng anim na iba pang kumana ng double figures, nakuha ng Wangs ang trangko sa 64-52 sa halftime na naging tulay na nila sa kanilang panalo.

Show comments