2004 ABC iho-host ng RP
January 13, 2003 | 12:00am
Kinilala ng International Amateur Boxing Association (AIBA) ang pagiging matagumpay ng Filipinos sa pag-organisa ng mga malalaking tournaments kung kayat ibinigay nila sa Amateur Boxing Association of the Philippines (ABAP) ang pagdaraos ng 2004 Asian Boxing Championship (ABC).
Nakatakda sa Enero 10-18 ng susunod na taon, ang ABC ay hindi lamang para sa continental championship, kundi magsisilbi rin itong bahagi bilang isa sa unang tatlong Asian region qualifying tournaments para sa 2004 Olympics sa Athens Greece na nakatakda naman sa Agosto ng susunod na taon.
"This is great honor for the Philippines. The AIBA has acknowledge our experience in staging prestigious and big international tournaments successfuly," ani ABAP president Manny Lopez, ang kasalukuyang Federation of Asian Boxing (FAAB) Secretary-General makaraang tanggapin ang liham ng kumpirmasyon mula kay AIBA president Anwar Chowdry.
Ang dalawang iba pang Olympics qualifying tournaments ay gaganapin sa China sa Marso at Pakistan sa Hunyo ng susunod na taon.
Huling ini-host ng Philippines ang Olympic qualifying tournament noong 1996 sa Cebu City kung saan dalawang Pinoy sina Virgilio Vicera at Elias Recaido ay nagwagi ng gold medals sa kani-kanilang weight divisions upang makasungkit ng slot sa Atlanta Olympics.
Kasabay nito, inihayag din ni Lopez ang 14-tournaments Asiad calendar ng ABAP upang paghandaan ang boxing event sa Vietnam Southeast Asian Games sa December at ang July World Championships sa Thailand ngayong taon.
Bukod sa Vietnam SEAG at Thailand World, ang iba pang tournaments na sasa-lihan ng RP pugs ay gaganapin sa Myanmar, India, Iran, Pakistan, South Korea, Uzbekistan, Malaysia, Democratic Peoples Republic of Korea, Indonesia, Mongolia at Philippines kung saan muli nilang bubuhayin ang Mayors Cup.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended