^

PSN Palaro

Villanueva, di pa sigurado

GAME NA! - Bill Velasco -
Hindi pa pala sigurado si UAAP MVP Enrico Villanueva kung saang team siya pupunta sa PBA Annual Draft na gaganapin ngayong araw sa Makati. Bagamat maraming balitang umiinog sa batang sentro, wala pa diumanong kumakausap sa kanya ng diretso, at wala pa siyang pinag-eensayuhang koponan.

Noong Miyerkules, nag-eensayo pa sa Talk 'N Text Phone Pals si Gilbert Demape. Huwebes, lumabas ang balitang pupunta na siya ng Purefoods para malibre na si Villanueva. Kinakausap daw ng Phone Pals ang Shell, na pipili ng pangatlo sa draft, para kunin na lamang si Eddie Laure. Pero, ang lahat ng ito'y ipinagkibit-balikat na lang ni Villanueva.

Marami ring usap-usapan kung mananatiling sentro nga ang laro ni Villanueva, na bagong dating mula sa naipangakong bakasyon para sa Ateneo Blue Eagles sa Amerika. Walang tigil ang pagpaparangal sa koponan. Biyernes, tumanggap sila ng ‘President’s Award’ mula sa Philippine Sportswriters Association. Sabado, inilunsad ang ‘It’s Our Time,’ isang aklat na nagdedetalye sa kanilang nakaraang UAAP season.

Hindi mo rin masisisi si Villanueva kung maguguluhan siya, dahil napakaraming balita tungkol sa kanya, pero wala namang nagtatanong ng direkta sa bata. Pero, saan man siya mapunta, siguradong malaki ang maitutulong niya rito.

Samantala, nagpaplano na ng lubusan ang IBC-13 para dagdagan ang mga sports programs nito tungo sa masiglang 2003. Sa isang pulong na ginanap noong Biyernes, napagkasunduang magdaragdag ang IBC ng maraming bagong programa upang mapuno ang mga nabakante ng Viva-Vintage, na malaki pa raw ang utang sa network. Kasama naman doon ang mga bagong sports program tulad ng isang post-game show pagkatapos ng PBA Games. Malaking benepisyo ito para sa mga fans na hindi makakapanood ng dalawang buong laro. At maililigtas din nito ang mga programang kasunod ng PBA, na madalas masagasaan kapag nag-overtime o humaba yung laro.

Marami pang ibang plano ang IBC upang tulungan ang sports sa Pilipinas. Abangan.
* * *
Kung nais ninyong makipag-ugnayan sa akin, mag-email lang sa [email protected]<mailto:[email protected]>. Maraming salamat.

vuukle comment

ATENEO BLUE EAGLES

BIYERNES

EDDIE LAURE

ENRICO VILLANUEVA

GILBERT DEMAPE

MARAMI

N TEXT PHONE PALS

NOONG MIYERKULES

OUR TIME

VILLANUEVA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with