^

PSN Palaro

PSA members nagdamdam kay Pacquiao

-
Tulad sa boksing, kumbinasyon ng solid punch at upper cut na tinapos ng low blow ang naging pasaporte muli ni Manny Pacquiao sa itim na kampeonato laban sa Philippine Sports Writers Association Annual Awards noong Biyernes ng gabi dahil sa intensyonal na di pagsipot nito.

Labis na pagdaramdam ang nadama ng mga miyembro ng PSA.

Ilang oras bago magsimula ang programa, sinabi ng manager ni Pacquiao na si Rod Nazario na sumakit ang tiyan ng kasalukuyang International Boxing Federation super bantamweight champion at di kalaunan ay inamin nitong nasa Davao si Pacquiao at diumano’y di nakaalis ng maaga dahil may "LBM".

Noong nakaraang taon, sinabi ni Pacquiao na hindi binigyan ng halaga ng PSA ang kanyang mga tagumpay para sa bansa matapos igawad ng PSA ang pinakamataas na karangalan ng asosasyon kina golfer Dorothy Delasin at master cue artist Efren ‘Bata’ Reyes.

Ito ay ‘below the belt.’ Pinagbobotohan ng PSA ang mga mananalo ng award.

Hindi inisip ng mga taga-PSA na lumaki na ang ulo ni Pacquiao. Ang akala ng mga miyembro ng PSA, si Pacquiao ay kampeon ng masa at nananatiling mapagkumbaba tulad nang siya’y nagsisimula pa lamang.

Dapat ay matuto ng leksiyon si Pacquiao sa kanyang co-awardee na si Mikee Cojuangco-Jaworski, ang Sportswoman of the Year.

Sa acceptance speech ni Mikee, ito ay punumpuno ng pagpapakumbaba at ibinahagi niya ang kanyang karangalan hindi lamang sa kanyang mga co-awardees kundi sa lahat ng atleta.

Sinabi nitong sana’y magsilbi siyang inspirasyon sa kanyang mga kapwa atleta at magsikap maigi para maparisan ang kanyang tagumpay dahil may magandang bagay na naghihintay para sa kanila.

Ito ang mga katagang nagmula sa isang taong may magandang kalooban at nasa kanya nang lahat at halos maiyak ang lahat ng nakinig sa kanya.

Pagkatapos ng Award Nights, nanatili pa si Mikee upang magpakuha ng litrato kasama ang mga personnel ng Holiday Inn at lahat ng mga gustong magpakuha kasama siya. Kahit na napakatagal na ng oras na ipinanatili nito.

Ito ang tunay na kampeon.

Pinarangalan din ng PSA sina dating PBA Commissioner Leo Prieto at dating Philippine Olympic Committee president Julian Malonzo na may katandaan na ngunit nakarating pa rin sa gabi ng Parangal para tanggapin ang kanilang award.

Kung hindi sila nakasipot ay maiintindihan ito ng PSA ngunit mas pinili nilang pumunta sa PSA.

Tinanggap ni Malonzo ang posthumous award para kay Zaldy Zshornack, habang umakyat naman si Prieto, sa tulong ng kanyang nurse na dahan-dahang naglalakad, upang tanggapin ang kanyang lifetime achievement award.

Para kay Pacquiao, hindi palalagpasin ng PSA ang kanyang pang-i-snub. Ika nga maraming paraan upang balatan ang isang pusa, ano man ang uri nito, pusakal man o foreign breed.

AWARD NIGHTS

COMMISSIONER LEO PRIETO

DOROTHY DELASIN

HOLIDAY INN

INTERNATIONAL BOXING FEDERATION

KANYANG

PACQUIAO

PSA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with