Ang panalo na ikapito sa 11-laro, ang nagpalakas ng tsansa ng ICTSI sa huling semifinals slot o sa wild card entry.
Kailangan na lamang nilang manalo kontra sa Sunkist-Pampanga sa kanilang out-of-town match sa Lucena City bukas upang makasiguro ng play-off kontra sa LBC-Batangas.
Dahil sa pagkatalo, nabigo naman ang Cheese Balls na makagawa ng magandang pamamaalam sanhi ng kani-lang 3-9 win-loss slate.
Ngunit kung mananalo ang Montana na kasalukuyan pang naglalaro habang sinusulat ang balitang ito at matalo ang ICTSI bukas, maghaharap ang dalawang koponang ito sa isang knockout game para sa karapatang harapin ang LBC Batangas para sa huling semifinal seat.
"Im thankful the boys gave their best, this game was the best chance for the PBA hopefuls to showcase the stuff theyre made of," pahayag ni ICTSI coach Franz Pumaren. "But we still have to win on Saturday. So hindi pa tapos ang trabaho namin."
Pinahirapan muna ng Cheese Balls-Shark ang ICTSI sa first half ngunit nagpakawala si Mark Cardona ng 12 sa kanyang 20 puntos na naging mitsa ng 13-0 run para lumayo ang ICTSI sa 47-32.