PBA di magiging sagabal sa PBL Eala
January 10, 2003 | 12:00am
Siniguro ni PBA Commissioner Noli Eala kay PBL Commissioner Chino Trinidad at sa 23 PBA hopefuls na hindi magiging hadlang ang PBA sa commitment ng mga players sa kasalukuyang PBL Challenge Cup.
Sinabi ni Eala sa kanyang inspirational message sa mga draft aspirants sa Annual PBL photo session sa Makati Coliseum, na kakausapin niya ang mga PBA member teams na payagan ang mga players mula sa apat na teams na nasa crossover semifinals na tapusin muna ang kanilang commitment sa PBL.
Sinamantala din ng PBA Commissioner ang oportunidad na imbitahan ang mga draft applicants na sumipot sa Draft Camp ngayon sa SM Megamall Parking Lot.
"Im thankful that I got this chance through PBL Commissioner Chino Trinidad to meet you personally before the PBA Draft. Rest Assured, you dont have to worry that your commitments with your mother clubs will be disrupted since I will talk to the PBA teams on that matter," pahayag ni Eala.
"Likewise, Comissioner Chino and I already talked about the sanctions on those who fail to show up in the Draft Camp, so you dont have to worry about it. But Iim hoping that most of you, if not all, will be there," dagdag nito.
Ayon pa kay Eala, kailangan lang magpakita ang mga PBL players na kasama sa mga PBL teams na aalis patungong Lucena ngayon dahil ginawan ng paraan ni Eala na sila ay mai-schedule sa unang batch ng Draft Camp.
Kabilang sa mga sumipot para sa annual photo session ng PBA Draft Applicants ay sina Romel Adducul, Eddie Laure, Ariel Capus at Ronald Tubid ng Welcoat, John Ferriols at Cyrus Baguio ng Dazz, Marlon Legaspi, Arnold Calo at Francis Machica ng Blu, Bruce Dacia, Reynel Hugnatan, Adonis Sta. Maria at Rob Johnson ng ICTSI, Rysal Castro at Stephen Padilla ng Cheese-Balls-Shark, Vincent San Diego at Ralph Rivera ng LBC-Batangas, Bong Salvador at Leo Bat-Og ng John-O, Egay Echavez, Billy Mamaril, Jenkins Mesina at Sunday Salvacion ng Montana.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended