^

PSN Palaro

Manila SEA Games paghandaan - Legarda

-
Iginiit kahapon ni Senate Majority Leader Loren Legarda sa mga sports officials ng bansa at Filipino athletes na paghandaan ng mga ito ang darating na 2005 South East Asian Games.

Sinabi ni Sen. Legarda, hindi dapat haluan ng pulitika ng mga opisyal ng Philippine Olympic Committe (POC) ang nakatakdang pagiging host ng bansa sa 2005 SEA Games dahil sa naging pahayag lamang ni Pangulong Arroyo na hindi na ito tatakbo sa 2004 presidential elections.

Ayon kay Legarda, hindi dapat mabahala ang ating mga atleta sa takbo ng pulitika sa bansa bagkus ay dapat paghandaan ng mga ito ang nalalapit na 2005 SEA Games na nakatakdang ganapin sa bansa.

Aniya, dapat paghandaan ng mga manlalaro ang ating magiging tagumpay upang makamit ang mas maraming gintong medalya sa darating na 2005 SEA Games kaysa intindihin ng mga ito ang puli-tika sa bansa.

‘We should not unduly burden athletes with concerns like politics for their full concentration should be on their respective sporting disciplines. Changes in the political landscape should be the least of their worries," wika pa ni Legarda.

Idinagdag pa ng mambabatas, sakaling umatras ang pamahalaan na mag-host ng 2005 SEA Games ay dapat ituloy pa rin ng mga atleta at sports officials ang paghahanda dito dahil hindi naman ito nangangahulugan na hindi na tayo sasali sa nasabing biennial event.

Aniya, naging matagumpay ang ginanap na 1991 SEA Games sa bansa dahil sa pagiging handa ng mga opisyal hinggil dito at magiging matagumpay din ang pagiging host natin ng 2005 SEA Games kung maaga nating paghahandaan ito kaysa isipin ang 2004 elections.

Magugunita na inihayag ni POC secretary-gerenal Romeo Ribaño na nasa ‘wait and see’ situation ang POC kung ano ang magiging desisyon ni Pangulong Arroyo kaugnay sa pagiging host natin sa 2005 SEA Games. (Ulat ni Rudy Andal)

vuukle comment

ANIYA

GAMES

LEGARDA

PANGULONG ARROYO

PHILIPPINE OLYMPIC COMMITTE

ROMEO RIBA

RUDY ANDAL

SEA

SENATE MAJORITY LEADER LOREN LEGARDA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with