Cone sa Alaska pa rin, Santos malabo pa

Inaasahang pipirma si Tim Cone ng panibagong kontrata na nagkakahalaga ng P450,000 hanggang P500,000 kada-buwan.

Inaasahang magkakasundo sa pagpupulong ngayon sina Alaska team owner Wilfred Uytengsu at si Cone na nagbigay ng 10 titulo sa Aces kabilang ang Grand Slam noong 1996.

Ayon sa isang source, papipirmahin din ng Aces ng panibagong kontrata ang isa kina Rob Duat at Rodney Santos.

Dahil interesado ang Alaska sa guwardiyang si Mike Cortez sa Annual Draft sa Enero 12, mawawalan ng puwesto si Santos kaya’t posibleng ito ang pakawalan.

Matapos mapabalitang naghahanap ng bagong koponan si Mark Telan, nagkaroon din ng interes ang Aces.

Show comments