^

PSN Palaro

Eala lumambot ang desisyon

-
Sinabi kahapon ni PBA Commissioner Noli Eala na kailangang may mabigat na dahilan para hindi makasipot ang mga rookie aspirants sa Pre-Draft Camp sa Enero 10 para di maparusahan.

Nauna nang inihayag ng PBA na mandatory para sa mga rookie draftees ang Camp at isa-sanction ang mga players na di makakasipot dito.

"Those who will not be able to come, we will scrutinize their reasons very carefully. If those reasons are legitimate, then we will spare them from any sanctions," sabi ni Eala.

Kinondena ni Philippine Basketball League Commissioner Chino Trinidad ang istriktong desisyon ng PBA sa pagpaparusa sa mga di makakasipot na players dahil maaapektuhan ang ilan sa kanilang mga players na kasama sa mga draftees.

May laro ang PBL sa Lucena City sa Sabado at araw pa lamang ng Biyernes, ang araw ng Pre-Draft Camp, ang kanilang alis patungong Lucena, Quezon.

Kasalukuyan pang pinag-aaralan ni Eala ang mga dokumentong ipinasa ng 67 players na nagpalista sa Draft bago ihayag ang pinal na listahan.

Kasama sa mga apektadong players ay sina Romel Adducul, Eddie Laure, Ronald Tu-bid, Reynell Hugnatan, Bruce Dacia, Cyrus Baguio at John Feriols.

Sinabi naman ni Trinidad na ipinauubaya na niya ang desisyon sa mga players kung sila ay pupunta sa Camp na gaganapin sa parking area ng SM Megamall sa Biyernes. (Ulat ni Carmela V. Ochoa)

BIYERNES

BRUCE DACIA

CARMELA V

COMMISSIONER NOLI EALA

CYRUS BAGUIO

DRAFT CAMP

EALA

EDDIE LAURE

JOHN FERIOLS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with