^

PSN Palaro

Gerry Peñalosa nagretiro na

-
Nagretiro na ang dating World Boxing Council super flyweight champion at kasalukuyang WBC International champion Gerry Peñalosa.

Ito ang kanyang inihayag sa isang press conference kahapon kung saan pinili lamang ang inimbitahang sportswriters at columnists sa Bay View Hotel.

Ilang araw pa lamang ang nakakaraan nang pakawalan si Peñalosa ng kanyang manager na si Rudy Salud na marahil ang isang malaking dahilan ng kanyang pagreretiro.

Malaking dahilan din sa pamamaalam ni Peñalosa sa boksing ay ang kanyang tatlong nakaka-dismayang pagkabigong mabawi ang dating hawak na titulo.

Nakuha ni Peñalosa ang titulo sa pamamagitan ng split decision mula kay Hiroshi Kawashima ng Japan noong Pebrero 1997 sa Tokyo.

Ang pinakamalaking kabiguan ni Peñalosa ay noong nakaraang December 20 rematch kay Masamori Tokuyama sa Osaka na ayon sa obserbasyon ng karamihan kabilang ang American trainer na si Freddie Roach ay panalo ito ng dalawang puntos.

May posibilidad ng isa na namang rematch kay Tokuyama ngunit ayon kay Salud at Roach ay hindi na ito kailangan ito rin ang palagay ni Peñalosa.

Si Peñalosa ay may impresibong 46-5-2 win-loss draw record kabilang ang 31 knockouts.

Plano ni Peñalosa na bumisita sa Cebu para mag-scout ng bata at ta-lented fighters na may potential na maging world champions para i-manage ni Salud. (Ulat ni Carmela Ochoa)

ALOSA

BAY VIEW HOTEL

CARMELA OCHOA

FREDDIE ROACH

GERRY PE

HIROSHI KAWASHIMA

MASAMORI TOKUYAMA

NTILDE

RUDY SALUD

SI PE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with