^

PSN Palaro

Espinosa vs Pacquiao?

-
Posibleng magkita sa ring sina dating two-time world champion Luisito Espinosa at International Boxing Federation (IBF) bantamweight champion Manny Pacquiao sa taong ito.

Hinihintay na lamang ang desisyon ni Espinosa kung tatanggapin nito ang naturang alok na kalabanin ang premyadong professional boxer sa taong ito na si Pacquiao.

Kung matutuloy ang laban, ang napiling petsa ay sa Marso 1 at ang napipisil na lugar ay ang Araneta Coliseum sa Quezon City. Wala pang kongretong plano para sa laban dahil wala pang sagot si Espinosa.

Inalok si Espinosa ng US$8,000 para tanggapin ang 10-round non-title fight sa featherweight division.

Samantala, may garantiya naman ang 24-gulang na si Pacquiao na tumanggap ng P2.4 milyon para sa laban.

Sumang-ayon ang top promoter ng bansa na si Gabriel Bebot Elorde sa naturang laban.

Si Pacquiao na siyang tinanghal na Sportsman of the Year ng Philippine Sportswriters Association (PSA) sa Annual Awards na gaganapin sa Enero 10, ay may 35-panalo, 2-talo at isang draw kabi-lang ang 27 knockouts.Sa kabilang dako, si Espinosa naman ay may 46-11 panalo-talo kasama ang 25 knockouts.

vuukle comment

ANNUAL AWARDS

ARANETA COLISEUM

ESPINOSA

GABRIEL BEBOT ELORDE

INTERNATIONAL BOXING FEDERATION

LUISITO ESPINOSA

PACQUIAO

PHILIPPINE SPORTSWRITERS ASSOCIATION

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with