Itinala ni Lim ang 6-3, 6-4 panalo kontra fourth seed Raymond Villarete ng La Salle-Greenhills, habang kinailangan naman ni Celestino ng deciding third set bago niya napasuko ang third seed na si Raymond Diez ng University of Mindanao, 6-1, 2-6, 6-3.
Sa girls 16-under division, ginapi ng top-ranked na si Bien Zoleta ng Mary Hills-Lucena City ang third seed na si Catherine Flores 6-1, 6-3 upang umusad sa finals kontra second seed Ivy de Guzman ng Miriam na umiskor ng 6-4, 6-2 tagumpay laban kay Ara Micayabas.
Naka-entra rin sa finals ng 14-under class ang nakakabatang kapatid ni Bien na si Bambi nang kanyang patalsikin si Jessica Agra, 6-3, 6-2 upang isaayos ang kanilang paghaharap ni Julie Em Botor na nanaig kontra Nikki Manalo, 0-6, 7-6 (4), 4-2 (ret.)
Naligtasan ng top seed na si Sarah Jane Lim si Joan Therese Opulencia, 6-4, 3-6, 6-4 at tinalo naman ng unseeded na si Jia Marell Elesis si Victoria Magaway, 6-3, 6-4 upang umusad sa girls 12-under finals ng event na ito na hatid ng Thaddeus Sporting Goods at Wilson balls.