^

PSN Palaro

P12-M kay Cariaso

-
Nagbunga ang pagsisikap ni Jeffrey Cariaso sa nakaraang kumperensiya ng Philippine Basketball Association.

Dahil naparangalan ito ng Best Player of The Conference ng All Filipino Cup, hindi na nagdalawang isip pa ang Coca-Cola Tigers na bigyan ng panibagong kontrata ang 6’2 forward na si Cariaso.

Mananatili pa rin ang Asian Gamer na si Cariaso ng tatlong taon sa Tigers matapos pumirma ng bagong kontrata na nagkakahalaga ng P12 milyon, ayon sa mapa-pagkatiwalaang source.

Ayon sa impormante, si Cariaso ay tatanggap ng P450,000 sa kanyang unang taon, P400,000 sa susunod na taon at sa kanyang huling taon ay sasahod ito ng P350,000 kada-buwan.

Si Cariaso ay naging Rookie of the Year noong 1995 sa Alaska at naging bahagi ng grand slam title ng Aces noong 1996.

Lumipat ito sa Mobiline Phone Pals noong 1997 bago napunta sa Tanduay noong 2000.

Si Cariaso ay namana ng FedEx na nakabili ng prangkisa ng Tanduay Gold Rhum ngunit ito’y na-trade ng Express sa Tigers.

Noong nakaraang taon, si Cariaso ay tumanggap ng P450,000 kada-buwan .

Sinabi rin ng source na hindi maaapektuhan si Cariaso sa plano ng board na babaan ang salary cap ng bawat player.

Noong nakaraang Nobyembre, ipinahayag ng board ang kanilang planong ibaba sa P350,000 ang maximum salary ng isang player mula sa P500,000.

Matapos ang dalawang pagtatangkang maging bahagi ng pam-bansang koponan ay nabigyan ng pagkakataon si Cariaso noong nakaraang taon.

Nakapaglaro si Cariaso suot ang national colors sa Busan Asiad noong nakaraang taon ngunit masaklap ang naging kapalaran ng RP Squad na nag-fourth place lamang.

Hindi nakalaro si Cariaso gayundin si Johnny Abarrientos sa nakaraang best-of-five titular showdown ng Tigers kontra sa Alaska Aces.
Black Sibak Sa Sta. Lucia
Tinanggal na si Norman Black bilang coach ng Sta. Lucia Realty kahapon.

Planong ipalit ng Sta. Lucia ang kanyang assistant at matalik na kaibigang si Alfrancis Chua ngunit ayon sa isang impormante ay hindi ito tatanggapin ng huli.

Habang kinukumbinsi si Chua ay muling itatalaga si Adonis Tierra bilang coach.

ADONIS TIERRA

ALASKA ACES

ALFRANCIS CHUA

ALL FILIPINO CUP

ASIAN GAMER

BEST PLAYER OF THE CONFERENCE

CARIASO

NOONG

SI CARIASO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with