^

PSN Palaro

Villanueva maglalaro sa Dazz?

-
Maglalaro kaya si Enrico Villanueva para sa Dazz Dishwashing Liquid?

Sinabi kahapon ni Dazz team manager Bernard Yang na nagpahayag ang 6’6 Ateneo Slotman ng intensiyong tumulong sa Greesebusters sa kanilang kampanyang makatulong sa no. 2 spot sa kasalukuyang PBL Challenge Cup.

"It’s true, Enrico Villanueva hopes he could play for us upon his return from the US today or tomorrow. He said he wants to help the team get into the championship," ani Yang.

"We still have to see. Coach Junel Baculi wants to see first if he’s fit to play after the long vacation. If he is, he might see action on Saturday when we play LBC Batangas in Lipa City," dagdag nito.

Kung maglalaro si Villanueva, magiging ikalawang pinakamataas na koponan ang Dazz pagkatapos ng Welcoat dahil maglalaro na rin ang dating MBA MVP na si John Ferriols sa Sabado.

Kailangang ipanalo ng Greesebusters ang kanilang huling tatlong laro upang makuha ang no. 2 spot at bentaheng twice-to-beat patungo sa crossover semifinals.

Dahil sa posibleng pagsasama nina Villanueva at Ferriols dagdag pa ang talento nina Allan Salangsang, Eugene Tan, Cyrus Baguio, Nino Gelig at June Simon, may magandang tsansa ang Dazz na makabawi sa kanilang 53-56 pagkatalo kontra sa Batangas Blades noong December 5.

Samantala, maaaring magbigay ng reaksiyon at comments ang PBL fans sa PBL website: www.mypbl.com.

vuukle comment

ALLAN SALANGSANG

ATENEO SLOTMAN

BATANGAS BLADES

BERNARD YANG

CHALLENGE CUP

COACH JUNEL BACULI

CYRUS BAGUIO

DAZZ

DAZZ DISHWASHING LIQUID

ENRICO VILLANUEVA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with