Ang mga individual awardees ay sina PBA Commissioners Jun Bernardino, Rudy Salud at Leo Prieto na namuno sa pinakaunang professional basketball league ng Asya.
Si Bernardino ay naging Commissioner mula 1993 hanggang 2002, Executive director mula 1982 hanggang 1993 at PBA Board Secretary mula 1983-1987.
Si Salud ang ikatlong Commissioner ng PBA. Siya ay kilalang lawyer, naging unang Secretary General ng World Boxing Council na kanyang ginawan ng constitution and by-laws at ngayon ay sikat na boxing promoter at manager. Siya rin ay naging presidente ng Manila Jockey Club.
Si Prieto ang unang PBA Commissioner na unang naging coach ng multi-titled Yco Painters sa Manila Industrial and Commercial Athletic Association, ang pinagmulan ng PBA.
Bibigyan din ng PSA ng lifetime awards ang apat na entities dahil sa kanilang malaking tulong sa grassroots development. Ito ay ang Coke Go-for-Goal, Metropolitan Chess Club,Milo Best at San Miguel Corporation.
Ang Coke Go-for-Goal ay isang matagumpay na football program na minimintina ng Coca-Cola ng mahigit nang isang dekada gamit ang corporate funds para sa kabataan.
Ang MCC ay ang tanging club na walang patid sa pagpro-promote ng chess sa mga kabataan sa pamamagitan ng epektibong pamamaraan ng pagtuturo na pinagmulan ng mga woodpushers na kumatawan ng bansa sa international competition.
Ang Milo naman ang nanguna sa youth basketball training sa kanilang Milo Best program na naglalayong bigyan ang mga aspiring young cagers ng siyensiya ng basketball sa ilalim ng mahuhusay na trainers.
Ang San Miguel na-man ay laging tumutulong sa mga major tournaments lalo na sa mga grassroots level competition bukod pa sa pagmimintina ng kanilang professional basketball team. (Ulat ni Carmela V. Ochoa)