Naisubi ng 17-gulang na si Tierro ang kanyang kauna-unahang boys 21-under title makaraang iposte ang 6-4, 6-2 panalo kontra San Sebastians Niño Salvador.
Nauna rito, tinalo muna ni Tierro ang Cebuano na si Janjie Soquino, 6-3, 6-2 upang masungkit ang kanyang ikatlong 18-under title matapos ang PCA Open Juniors at ang Copa de Manila nitong kaagahan ng taon.
Humatak naman si Riego de Dios, unseeded sa boys 16-under division ng 6-0, 6-1 upset na panalo kontra sa top seed na si San Beda player na si Nestor Celestino Jr., upang mapasakamy ang kanyang ikatlong korona.
Sa boys 14-under class, umahon ang top seed na si Russell Arcilla Jr., ng Letran at nakakabatang kapatid ng RP Davis Cupper na si Johnny mula sa unang pagkatalo sa unang set upang mapawagian ang kanyang korona kontra sa third seed na si James Murrell, 2-6, 6-1, 6-2.
Tinanghal namang kampeon si James Canete sa boys 12-under.
Sa girls division, nakaligtas si Tracy Bautista ng Cavite kay Michelle Panis ng Bohol, 2-6, 7-5, 6-2 upang akuin ang 18-under title.
Napagwagian naman ni Jessica Agra ang titulo sa 14-under nang magwagi ito kay Nikki Manalo, 7-5, 6-2.
Nakabawi naman ang 6th grader na si Manalo nang sorpresahin nito ang top seed na si Sarah Jane Lim, 6-3, 6-0 para sa kanyang ikapitong titulo.