^

PSN Palaro

Milo Jr Tennis Cup: Tierro, De Dios umusad sa finals

-
Nakapasok sina PJ Tierro at Rico Riego de Dios ng Olongapo City sa finals ng kani-kanilang divisions matapos ang magkahiwalay na panalo sa 2002 Milo Junior Tennis Cup and Regional Workshop sa Rizal Memorial Tennis Center.

Nagpamalas ng impresibong laro si Tierro upang silatin ang second seed na si Gino Bautista, 6-2, 7-5 upang isaayos ang titular showdown laban kay Janjie Soquino ng Cebu na nanalo naman kay Borgs Solpico, 6-3, 6-3 para sa premier boys’ 18-under crown.

May tsansa para sa double title si Tierro matapos ang 6-0, 6-2 panalo kay Michael Lanuevo sa junior men’s 21-under category laban sa PCA Open semifinalists na si Niño Salvador na nakaungos kay Emer-son Ocampo, 6-2, 7-5.

Nagpamalas naman ng katatagan si Riego de Dios sa endgame upang pabagsakin si no. 2 Arithmetico Lim, 6-4, 6-4 upang isaayos ang pakikipag-harap kay Nestor Celestino ng San Beda, 6-3, 7-6 na nanalo kay Ed Angelo Diez ng Davao sa boys’ 16-under bracket ng Milo netfest na ito na inorganisa ng CTW at suportado ng Adidas at Sports Kids na Group 2 Philta sanction.

Ang iba pang finalists ay sina Bernardine Siso laban kay Akio Sy sa unisex 10-under, Gerard Ngo at James Canete sa boys’ 12-under, Russell Arcilla Jr. at James Murell sa boys’ 14-under age group.

Sa kababaihan, makakaharap ni Sarah Lim si Nikki Manalo sa girls’ 12-under; magtutuos sina Jessica Agra at Manalo sa girls’ 14-under; Ara Micayabas at Michelle Panis sa girls’ 16-under; at Panis laban kay Tracy Bautista sa girls’ 18-under division.

vuukle comment

AKIO SY

ARA MICAYABAS

ARITHMETICO LIM

BERNARDINE SISO

BORGS SOLPICO

DIOS

ED ANGELO DIEZ

GERARD NGO

GINO BAUTISTA

KAY

TIERRO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with