^

PSN Palaro

Sa likod ng mabigat na pagsubok, nagtagumpay pa rin ang PSC

-
Tatlong gintong medalya, pitong silver at 16 na bronzes.

Ito ang produksiyon ng Philippine Sports para sa taong 2002.

Ito rin ang produksiyon ng dating premyadong swimmer na si Eric Buhain na itinalagang chairman ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo noong Enero kapalit ni Butch Tuason.

Ito ang produksiyon ng 327-man RP delegation na ipinadala sa Busan-South Korea na nakibahagi sa Asian Games.

Ito ang produksiyon ng 218 atleta sa pangunguna ng mga gold medalists na sina Mikee Cojuangco-Jaworski, ng bowling partners na sina Paeng at RJ Nepomuceno at ng billiards duo nina Francisco ‘Django’ Bustamante at Antonio Lining.

Ang produksiyon na ito ang pinakamagandang pagtatapos ng bansa sa loob ng 16-taon na pakikibahagi ng bansa sa Asiad.

Ang produksiyon na ito ang lumukob sa mga kontrobersiyang naganap sa Philippine Sports.

Nagkaroon ng pagsubok ang pamumuno ni Buhain nang magkaroon sila ng girian ng isa sa kanyang Commissioner na si Cynthia Carrion, isang malapit na kaibigan ni Pangulong Arroyo, na hiniling ng Chairman na patalsikin sa posisyon, ngunit walang naging desisyon ang pangulo.

Nagkaroon din ng problema ang PSC sa pagtatanghal ng Palarong Pambansa ngunit dahil na rin sa pagpupursigi ni Buhain at sa tulong ng Pangulong Arroyo na nagbigay ng P60 milyon ay mapayapang naidaos ang Palarong Pambansa sa Naga City.

Hindi rin nakaligtas ang PSC sa intriga nang ibunyag ng mga sama-han ng atleta ang junkeeteers sa Asian Games na pinagkagastusan diumano ng malaki ng PSC na hanggang ngayon ay di pa natatapos ang imbestigasyon ng Senado.

Ngunit nasapawan ang lahat ng mga isyung ito ng malaking tagum-pay ng bansa sa nakaraang Asian Games.

Inaasahang ang produksiyong ito ang magiging inspirasyon ng bansa para sa Southeast Asian Games na gaganapin sa Vietnam sa susunod na taon. (Ulat ni Carmela Ochoa)

ANTONIO LINING

ASIAN GAMES

BUHAIN

BUSAN-SOUTH KOREA

BUTCH TUASON

CARMELA OCHOA

PALARONG PAMBANSA

PANGULONG ARROYO

PHILIPPINE SPORTS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with