Una sa ninanais ko para sa sports sa ating bansa, makatotohanang pagsubaybay sa salaping ginugugol ng pamahalaan sa mga atletat programang pang-isports. Kuwentahin na natin kung sinu-sino ang mga naghakot ng sangkatutak na amuyong sa nakaraang Asian Games, na tayo ang nagbayad. Sundan na natin ang mga pangulo ng national sports associations na inutil at matagal nang walang silbi. Tutukan natin ang mga direktor ng mga ito na walang ginawa kundi patagalin lamang ang mga inutil nilang amo doon.
Naway maging seryoso ang pamahalaan natin sa pagdiskubre ng bagong talento sa isports. Sanay mapondohan ito ng maayos, para naman magkaroon ng bagong inspirasyon ang mga mamamayan, at di puro bangayan ng mga pulitiko ang nababasa sa diyaryo.
Sanay hukayin na ng pamahalaan ang mga nabuo nang kasunduan sa mga nakaraang Sports Summit, na siyang magsisilbing ugat ng pagbabago.Samantala, sanay di lamang basketbol ang umiral na sport dito sa ating bansa. Tila nag-uumapaw na ang dami ng liga dito sa atin. Naway sabihin ng mga isponsor na sobra na, tama na.
Panaginip ko rin sana mawakasan na ang kalokohang nagaganap sa mga awtoridad hinggil sa mga pekeng Fil-Am na naglalaro sa Pilipinas. Sanay di lamang pakitang tao ang mga imbestigasyon. Sana tuluyan nang mawalis sa ating lipunan ang lahat ng sangkot dito. Sana.
Nais ko rin sanang tigilan na ang mga pulitika sa sports na siyang nagpapagulo sa mga atleta, gayundin ang mga gulong kinasasangkutan ng mga NSA sports official hinggil sa lea-dership.
Maganda rin sanang makitang magantimpalaan ang mga atletang matagal nang naninilbihan sa ating bansa.Sa mga karatig bansa natin, ang mga medalya sa SEA Games ay may kasamang habang-buhay na hanapbuhay.
At puwede ba, tigilan na natin ang pangungurakot. Alam ninyo naman kung sino kayo.
Wish ko lang naman.