Sa PBA, ang C ay para sa Coca-cola, Championship, Christmas, Chot, Cariaso at Cheekbone.
Coca-Cola ang kampeon ng Selecta All-Filipino Cup.
Championship ang kauna-unahang titulo ng Tigers sa kanilang rookie year.
Christmas kinubra ng Tigers ang kanilang pinakamagandang regalo sa mismong araw ng Pasko matapos ang 78-63 panalo kagabi sa Araneta Coliseum.
Chot Reyes ang ikaanim na coach na nanalo ng championship para sa ibat ibang koponan.
Cariaso (Jeffrey) bagamat wala na ang player na ito ay nagawang tapusin ng Tigers ang best-of-five series sa 3-1 panalo-talo.
Cheekbone ang na-fracture kay Johnny Abarrientos noong Game One sanhi ng kanyang pagkawala sa mga sumunod na laro, ngunit naging inspirasyon ng Coca-Cola.
Ito ang ibig sabihin ng Pasko para sa Coca-Cola.
Humataw ang Tigers sa fourth quarter sa pangunguna nina William Antonio at Rudy Hatfield upang iposte ang 18-puntos na pangunguna, 70-52 na kanilang naging tuntungan sa panalo. (Ulat ni Carmela V. Ochoa)