^

PSN Palaro

Coke kampeon sa PBA All Filipino Cup

-
Ika nga ng isang Christmas song ‘C is for candy cane around the Christmas tree!

Sa PBA, ang C ay para sa Coca-cola, Championship, Christmas, Chot, Cariaso at Cheekbone.

Coca-Cola ang kampeon ng Selecta All-Filipino Cup.

Championship
– ang kauna-unahang titulo ng Tigers sa kanilang rookie year.

Christmas
– kinubra ng Tigers ang kanilang pinakamagandang regalo sa mismong araw ng Pasko matapos ang 78-63 panalo kagabi sa Araneta Coliseum.

Chot Reyes
– ang ikaanim na coach na nanalo ng championship para sa iba’t ibang koponan.

Cariaso
(Jeffrey) – bagamat wala na ang player na ito ay nagawang tapusin ng Tigers ang best-of-five series sa 3-1 panalo-talo.

Cheekbone
– ang na-fracture kay Johnny Abarrientos noong Game One sanhi ng kanyang pagkawala sa mga sumunod na laro, ngunit naging inspirasyon ng Coca-Cola.

Ito ang ibig sabihin ng Pasko para sa Coca-Cola.

Humataw ang Tigers sa fourth quarter sa pangunguna nina William Antonio at Rudy Hatfield upang iposte ang 18-puntos na pangunguna, 70-52 na kanilang naging tuntungan sa panalo. (Ulat ni Carmela V. Ochoa)

ARANETA COLISEUM

CARIASO

CARMELA V

CHOT REYES

COCA-COLA

GAME ONE

JOHNNY ABARRIENTOS

PASKO

RUDY HATFIELD

SELECTA ALL-FILIPINO CUP

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with