^

PSN Palaro

Magiging Merr nga kaya ang Pasko ng Coca-Cola?

SPORTS LANG... - Dina Marie Villena -
Bukas ay Pasko na at Game Four ng Selecta-PBA All-Filipino Cup Finals kung saan leading ang Coca-Cola sa serye, 2-1, kontra sa Alaska Aces.

Sa unang pagkakataon, umabot ang laro ng PBA games ng kapaskuhan.

At dahil dito, tiyak na pipilitin ng Coke na masungkit ang titulo na siyang pinakamagandang regalo na kanilang maibibigay sa management.

Kung tutuusin, dehado pa nga ang Tigers sa serye na ito kung saan ang ilang key players nila na sina Johnny Abarrientos at Jeffrey Cariaso ay injured.

Gayunpaman, kahit injured si Jeffrey ay ginamit pa rin ang kanyang serbisyo kahit panandalian lamang noong Game One and Two habang si Johnny naman ay na-injured noong Game Two.

Sina Jeff at Johnny ay kapwa naging miyembro ng Alaska team. Maging ang Coca-Cola mentor na si Chot Reyes ay minsan din naging bahagi ng kalabang team kung saan assistant siya ni coach Tim Cone..

Dito, nakalalamang ang Tigers dahil kapwa basa na nila ang ikikilos ng Aces habang may ideya na rin si coach Chot sa magiging game plan ni Cone.

Gayunpaman, hindi pa rin magiging madali para sa Coke ang kanilang mithiin dahil hindi basta-basta bibitiw ang Aces.

At sa Miyerkules, sa muling pagkikita ng Coca-Cola at Alaska sa Big Dome, tiyak na dudumugin ito ng kani-kanilang tagahanga at supporters lalong-lalo na ang Tigers na importante ang gabing iyon para maging maligaya ang kanilang kapaskuhan.

So ano sa palagay n’yo, magiging merry nga ba ang Pasko para sa Coca-Cola Tigers?

Abangan na lang natin.
* * *
Mula sa sports staff ng Ang Pilipino Star Ngayon, nais naming ipaabot sa lahat ng aming tagasubaybay ang aming pagbati ng isang "Maligayang Pasko at Matahimik at Manigong Bagong Taon"!

ALASKA ACES

ALL-FILIPINO CUP FINALS

ANG PILIPINO STAR NGAYON

BIG DOME

CHOT REYES

COCA-COLA

COCA-COLA TIGERS

GAME FOUR

GAME ONE AND TWO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with