^

PSN Palaro

UE Red tracksters nanalasa

-
Nagpamalas ng impresibong performance ang University of the East Red Tracksters-women’s Team nang kanilang dominahin ang women’s division ng athletics competition ng 65th UAAP season na ginanap noong nakaraang Dec. 14-17 sa Rizal Memorial Sports Complex.

Humakot ang Recto-based athletes ng 256 puntos upang tanggalan ng korona ang defending champion University of Santo Tomas.

Kumubra rin ang Red Warriors Women’s tracksters ng 10 gold,14 silver at 6 bronze medals.

"Talagang masaya ako kasi natupad na rin ‘yung pangako ko sa UE administration na kunin naming ‘yung championship within 3 years, and our sacrifices paid off," pahayag ni UE Women Trackters Head Coach Elma Muros-Posadas.

Nahirang si Mercedita Manipol, graduating BSED student ng UE na Most Valuable Player, habang tinanghal namang Rookie of the Year ang first year BSED student ng UE na si Leah Adan.

Isinubi ni Manipol, nasa huli na niyang taong paglalaro sa UE ang gold sa 10,000-meter run, sa tiyempong 37:37.15, bago nagbulsa rin ng gold sa 3,000-m run sa kanyang record-breaking performance na 10:16.33 at sa 5,000-m run sa tiyempong 17:59.22.

Nakisosyo rin si Manipol sa kanyang mga ka-teammate na sina Julie Rose Forbes, Mary Grace Melgar at Amelia Francisco na kumana ng gold sa 4x400-m relay sa pagposte ng bagong meet record na 3:75.84.

Naka-silver rin si Manipol sa 1,500-m run sa oras na 4:41.16.

Nagwagi naman si Adan ng gold medal sa javelin throw at bronze sa hammer throw.

AMELIA FRANCISCO

JULIE ROSE FORBES

LEAH ADAN

MANIPOL

MARY GRACE MELGAR

MERCEDITA MANIPOL

MOST VALUABLE PLAYER

RED WARRIORS WOMEN

RIZAL MEMORIAL SPORTS COMPLEX

ROOKIE OF THE YEAR

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with