Makakasama ni President Arroyo sa seremonyang nakatakda ngayong alas-3 ng hapon sa Villamor Golf Club Social Hall sina Philippine Sports Commission chairman Eric Buhain at Philippine Amusements and Gaming Corp., chairman Ephraim Genuino.
Pangungunahan ng individual gold medal winner na si Mikee Cojuangco-Jaworski sa equestrian show jumping ang mga medalists na nag-uwi ng kabuuang tatlong ginto, pitong silvers at 16 bronzes mula sa Busan at ang kani-kanilang mga coaches na tatanggap ng kabuuang P11.5 milyon na inilaan para sa Republic Act 9064 o ng Athletes and Coaches Incentives Act.
"These bonuses underscore President Gloria Macapagal Arroyos administrations unwavering support to national athletes and sports in general," pahayag ni Buhain. "And the President would like to personally hand over the bonuses as Christmas gifts to our sporting heroes."
Ang iba pang tatanggap ng gold medal incentive na P1 milyon ay ang billiards 9-ball duo nina Django Bustamante at Antonio Lining at ang bowling mens doubles team nina Paeng Nepomuceno at RJ Bautista. Ang doubles partners ay maghahati sa P1 milyong insentibo.
Mangunguna naman sa mga coaches na tatanggap ng bonuses base sa percentage ng insentibo ng kani-kanilang atleta sina Vicky Roycot para kay Cojuangco-Jaworski, Angel Nepomuceno at Johnson Cheng para kay Nepomuceno at Bautista at Ricardo Ancaja para kina Bustamante at Lining.
Tatanggap naman ang 21 iba pang atleta na nagbulsa ng bronze medals sa Busan Asiad noong nakaraang Oktubre ng tig-P100,000. Ang kabuuang insentibo ng mga atleta ay umabot sa P8.6 milyon, ha-bang ang kani-kanilang mga coaches ay umabot naman sa P2.9 milyon.