LG Cup table tennis: Titulo ibinulsa ni Nanaman

Isang batang manlalaro mula sa Iligan ang nagpamalas ng kanyang kahusayan at tinanghal na topwinners sa pagtiklop ng LG Cup Table Tennis Open kahapon.

Naglabas ng impresibong performance ang 13-anyos na si Gabriel Nanaman, freshman mula sa La Salle Iligan upang pabagsakin ang kalabng si Ching Barrios ng Capiz,11-7, 8-11, 11-9, 11-6, 11-9 na nagbi-gay sa kanya ng korona sa boy’s 14-under category.

"This boy (Nanaman) will go a long way,"pahayag ni Victor Valbuena, pangulo ng organizing Table Tennis Association of the Philippines.

"He has the looks, the skills and attitude that will make him the toast of table tennis in the Philippines. We are looking for talents like him to make table tennis crowd drawing sport."

Nagbulsa rin si Nanaman ng P5,000 para sa kanyang panalo sa tournamernt na ito na suportado ng LG Electronics, Rustan’s, Pagcor, Philippine Sports Commission, Agua Vida, Lux, Asia, Accel, Cape Lupe, Rudy Project at PCSO.

Sa distaff side, pinarisan naman ni Beverly Villar ng St.Benilde ang tagumpay ni Nanaman nang kanyang talunin si Sandra Bazar ng Cainta na kumita rin ng P5,000.

Hiniya rin ni Sendrine Balatbat, ang top junior player ng bansa ang kanyang senior counterpart na si Jade Jalloren, 11-8, 11-6, 5-11, 11-2, 13-11 upang dominahin ang women’s singles.

Isinubi rin ng 16-anyos na si Balatbat ang P25,000 premyo.

Nauna rito, nakipagtambal si Balatbat kay Arlene Borja upang pagwagian ang korona sa women’s doubles.

Gumawa naman ng malaking ingay si Japet Adaza ng Dapitan nang kanyang yanigin ang national junior standout na si Don Paule sa marathon match 11-4, 13-11, 7-11, 11-6, 13-11, 11-4 upang ibulsa ang korona sa boys’ 17-under plum na nagkakahalaga ng P5,000 premyo para sa kanyang tagumpay.

Show comments