^

PSN Palaro

'Para sa amin si Peñalosa ang kampeon ! '

-
Si Gerry Peñalosa pa rin ang kampeon para sa atin kahit tinalo ito sa split decision ng WBC super flyweight champion na si Masamori Tokuyama kamakalawa ng gabi na ginanap sa Osaka, Japan.

Ito ang nagkakaisang pahayag nina Senators Robert Barbers, Robert Jaworski at Noli de Castro kaugnay sa naging laban ni Peñalosa kay Tokuyama.

Ayon kay Sen. Barbers, chairman ng senate committee on games, amusements and sports, kayang-kaya ni Peñalosa ang laban subalit tinalo lamang ito sa hometown decision dahil ginanap ang laban sa bayan ng WBC super flyweight champion.

Sinabi naman ni Sen. de Castro, nahirapan si Peñalosa dahil sa tinamo nitong head bat mula kay Takuyama sa ikatlong round kung saan ay umaagos ang dugo nito sa kanyang mukha mula sa noo.

Ipinaliwanag naman ni Sen. Jaworski, kahit nagtamo ng sugat sa noo si Peñalosa mula sa head bat ng Japanese boxer ay ipinamalas pa rin ng ating pambato ang kanyang tapang ng sagupain at paulanan ng suntok si Tokuyama hanggang sa ika-12 round.

"Natalo lamang siya sa desisyon pero sa ipinakita niyang laban ay kitang-kita naman natin na siya talaga ang nanalo kaya para sa Filipino ay si Peñalosa pa rin ang kampeon," giit pa ni Sen. Barbers.

Magugunita na natalo sa split decision si Peñalosa kontra Tokuyama sa tinaguriang ‘Obsession in Osaka’ sa mandatory rematch ng mga ito sa Jo Castle Hall sa Osaka, Japan. (Ulat ni Rudy Andal)

ALOSA

AYON

JO CASTLE HALL

MASAMORI TOKUYAMA

NTILDE

ROBERT JAWORSKI

RUDY ANDAL

SENATORS ROBERT BARBERS

SI GERRY PE

TOKUYAMA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with