Arcilla, Navarro umiskor ng panalo
December 21, 2002 | 12:00am
Umiskor ng magkahiwalay na panalo sina Russell Arcilla Jr. at Carlo Navarro matapos umusad sa ikalawang round sa boys 16-under division ng 5th Armando Manzano Memorial Cup tennis tournament sa Rizal Memorial Tennis Center.
Si Russell, ang pinakabatang kapatid ng national player na si Johnny, ay nanalo kay Omar Estoque, 6-1, 6-2 upang umusad laban kay James Murell.
Naghabol naman si Navarro laban kay Leyan Moncera, 6-0, 2-6, 6-2 upang ipuwersa ang second round meeting kay Raymond Villarete.
Umusad din sina sixth seed William Murell na nanalo kay Raymund Diaz, 6-2, 6-3 at John Inri Grafe na namayani naman kay Ronnell Enilo, 6-1, 6-0.
Sa boys 14-under class, nata-kasan ni Bryan Amoranto ang mahigpit na hamon ni Rodell Navarro, 6-4, 3-6, 7-6 (3), nahirapan naman si Francis Ryan Onate bago nanalo kay Vincent Atienza, 5-7, 7-5, 6-3, at Mark Balce na namayani naman kay Angelo Patrimonio, 6-1, 6-2.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am